Saturday, September 22, 2007

Weird stuff tungkol sa mga presidente natin

Napanuod ko kanina ang Jessica Soho Reports at nabighani ako sa aking mga napagalaman tungkol sa mga presidente ng ating bansa. Isa rito ang height ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, nagulat ako na 4'9" lang ang tangkad niya at kailangan niya daw ng takong na 3 inches para maging matangad sa mga pagpupulong sa mga dambuhalang mga pinuno ng mga ibang bansa. Buti hindi siya nababatikos tungkol sa height niyang yan at nakita siya ng mga tao nung nangungumpanya siya. Isa pang nalaman ko na napakaobyus naman ay ang damit ni dating pangulong Cory Aquino, Dilaw lagi ang damit na suot suot niya simula nung EDSA relovution, dati nga daw black ang start ng kulay ng mga damit nya pero dahil sa kanta ng asawa niya nung nasa kulungan na "Tie a Yellow chorvaness" kaya daw siya nagsimula magdilaw at puro dilaw at dilaw lang na dilaw hangang sa binyag ni Baby James na anak ng kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Pero may nakalimutan si Jessica Soho itanong kay dating pangulong Aquino, kung ilan lahat ng dilaw nyang damit. hahahaha!!! Ang nakakatuwang impormasyon ay yung tabako ni dating pangulong Fidel V. Ramos, oo alam kong may tabako siya lagi. Pero sa pagkakarinig ko, Di niya sinisindihan kung di kinakagat lang daw niya. WAAAH!! Magkano ang ginastos para gawin yung tabako na yon para sindihan pero kinakagat niya lang. Hahay ang buhay nga naman!! ang panghuli naman na impormasyon tungkol sa mga presidente natin ay ang dating pangulong Joseph Ejercito Estrada at ang kanyang mighty wrist band, lagi siyang may wrist band malapit sa kanan niyang kamay at hindi ito nawawala sa kanya. At isa pa ay disposable ito, ampf, jan pa napunta ang pera ng bayan?!? joke!! Pero ang dahilan nito ay ang kanyang nasirang ugat sa kanyang kanan parte na tinatago ng wrist band niya. Grabe dami ako natutunan tungkol sa mga presidente natin. May mga bagay pa lang ikaka unique nila di lang sa mga hand signatures nila at mga pick up lines nila. Sana malaman ito ng buong madla at mga iba pang generasiyon.

0 comments: