Thursday, September 20, 2007

Dapat ba talagang bawal manigarilyo?

Ito ang tumambad sa akin sa Jeep kahapon. Ako'y namangha sa nakita ko sa driver na ito. Isa lang ho yan sa mga nakapaskil sa Jeep na byaheng Libertad - Kalentong. Nakita ko ring nakapaskil ang ordinance na pinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar tulad ng Jeep at may mga karagdagang pang multang kasama. Ako'y nasa suidad ng Mandaluyong kaya ako'y nagtanong kung talaga bang may silbi ba yang batas na yan. Kung ako'y tatanongin din, Sa Makati ay bawal manigarilyo kung saan-saan. Pero sa mismong tabi ng eskwelahan kong pang colehiyo ay mismong mga ka-eskwela ko pa ang mga naninigarilyo at ang nagtitinda dito ay tuwang tuwa sa mga bumibili. Sa Maynila naman, pwede manigarilyo pero bawal mo itapon ang naubos mo nga sigarilyo sa tabi tabi kung di lalapitan ka ng isang enforcer at titiketan ka. Siguro sa pampubliko lang ito, pwede naman siguro sa mga kabahayan ninyo eh. Pero sa tuwing sumasakay ay ng Jeep, halos 50% ng mga driver ay naninigarilyo habang nasa byahe. Ako naman parang pinausukang manok, lalo na kung katabi ko ang driver maamoy ko ang nakamamatay na usok na galing sa nicha ng sigarilyo nya. Gusto ko sana magpataw ng batas na bawal manigarilyo sa mga pambulikong sasakyan, lalo na pag ito'y bumabyahe. Dapat pag sila ay nasa pahinga lang at walang ginagawa, doon lang sila pwede humithit ng humithit ng sigarilyo. Pati mga taxi drivers, pagsakay ko sa mga taxi nila ay amoy usok ang looban tapos makukulob pa. Buhay nga naman oh. Kung alam ng mga ito kung anong epekto nito na nakakaapekto sa kanila at sa mga taong nakakalanghap ng usok na galing sa YOSI nila. Sabi nga nila ay ang Yosi ay ang Stick ng Kamatayan. USE NOW, PAY LATER! Pwede naman magyosi eh, basta nasa tamang lugar at wala kang unuusukang mga tao. Ayaw ko lang madamay. HAHAHA!!

0 comments: