Saturday, September 22, 2007

Murang Kainan?


Naghahanap ba kayo ng murang kainan dahil salat kayo sa pera? May sagot ako sa kahirapan ninyo. Tara na at kumain sa Tio Pepe's Karinderia. Siguradong abot kaya ang mga pagkain dito sapagkat ako mismo ay kumakain dito kasama ang girlfriend ko. Ito'y natatagpuan sa Edsa Central Market Malapit sa Teleperformance Call center. Napansin kong mabenta ang Tio Pepe sa mga call center people sa gabi. Kaya ako'y nabighani sa abot kayang presyo ng mga pagkain dito. Maeenjoy ninyo ang sarap ng Champorado with Tuyo, Arros Caldo at tokwa, Batchoy, Ginataang Munggo, Lumpiang Sariwa at Lumpiang Fried, at Mga silog meals tulad ng itlog with tapa, longanisa, at tocino.

Take Out Na Picadillo with Rice.

Maeenjoy ninyo rin ang mga Pananhaliang Ulam ng Giniling, Picadillo, Caldereta, Adobo, Laing, at marami pang iba. May mga deserts din tulad Maja at Biko. May mga murang drinks din tulad ng P10.00 na ice tea, P5.00 na kape, P12.00 na sago't Gulaman. Hindi ko ba nabangit na halos lahat ng sinabi ko'y ay di lalagpas ng P50? kaya marami kang makakain dito sa Tio Pepe kung ikaw ay kulang sa pera at kumakalam na ang iyong tyan.

0 comments: