
Tamad ba si Juan Dela Cruz? Makikita ninyo ang isang imahe ng isang produkto ng isang beauty shop sa isang mall na nagsasaad na wala na daw stock yung produkto na yon pero merong pang nakalagay. Eh, ano naman masasabi ko dito? Hmmmm.. ako'y tumawa pero naisip ko rin, Paano mabebenta ang produkto na yan kung nakalagay sa price tag nya ay ganito? Ni pangalan ng produkto at presyo hindi makikita dito. Tila napakasimple lang ng gawain na tangalin ang naka gambala sa mga price tag ng store na ito. Hindi lang naman ito ang mga nakita ko sa kapaligiran natin ngayon. Merong ding mga taong hindi marunong at sobra tamad maghanap ng palikuran at umiihi na lang kung saan saan. May mga dahilan naman kung bakit ganyan eh. Isa ay baka talagang wala silang maisip, pangalawa ay baka nakalimutan nila, pangatlo ay baka tagalang kailangan na, at pangapat ay talagang tamad si Juan Dela Cruz. Bakit ngayon may mga mahihirap na hindi umaasenso? Nakikita ko sa mga slum areas na nakatambay lang sila at nagsisilakihan ang tyan kakainom. Paano aasenso ang Pilipinas kay Juan Dela Cruz kung tamad naman? Sana hindi sila umasa sa mga himala na dadaring sa kanila.
Saturday, September 22, 2007
Tamad ba ang Pilipino?
Pinaskil Ni
D.A.M.N.! Grabe!
Tags juan dela cruz, tamad, Tanong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment