Tuesday, October 2, 2007

Site undergoing turnover

The site is undergoing massive turnover in my soon to be webspace. News about it will be posted soon.

Thursday, September 27, 2007

ZTE : Perwisyo o Ginahawa

Hay. Batid nga na last post ko na tungkol sa ZTE ringtone na yan. Ngayon naman ay talagang bubusisiin ko na ang ZTE na yan. Magsasalita na ako tungkol sa kaguluhan na ito. Ano nga ba ang ZTE? Ang ZTE ay isang Chinese company na nagpapalaganap ng broadband connections para sa mga kliyente nito. Kilala daw ito sa mga ibang bansa para sa kanilang pangunahing serbisyo na maghatid ng impormasyon gamit ang internet. Ngayon ang Pilipinas ang target nito na sakupin. Tayo ay napapabilang sa mga third world countries na hindi malaman kung umaasenso o ano, pero may kaya naman mabuhay at umulad naman kahit paano. Ang teknolohiya natin ngayon ay masasabi kong nasa gitna lang. Ang mga advance na tao lang dito sa pinas ay ang mga may kaya at mayayaman na may mga laptop at iPod sa kanilang tenga. Pero ang teknolohiya ng ating bansa o ating gobyerno ay mapurol na at sobrang panahon pa ni kopong kopong ika nga. Ngayon, ipapaunlad ng ating gobyerno ang malawakang National Broadband Network aka NBN, para sa mga sangay ng gobyerno para mapabilis ang pagpapalitan ng impormasyon gamit ang internet. Kasama na dito sa mga ipapatupad ay ang Cyber-Education para sa mga pambulikong paaralan sa buong bansa. Layon ng Cyber-Education na mapalaganap ang edukasyon gamit ang mga computer at TV na nakakatangap ng impormasyon para matuto ang mga magaaral na Pilipino. Magkahiwalay ang dalawang programa ng gobyerno na iyan, pero parehas silang nangangaylangan ng koneksyon sa internet. Kaya jan pumapasok ang ZTE para tugunan ang pangangaylangan ng ating gobyerno para sa laganap na palitan ng impormasyon gamit ang internet. Pero may mga anumalyang kumakalat para dito. Ang Cyber-Education program ay may budget ng nakalaan na $100 million para dito. Ok na ang Cyber-Education program, eh, paano naman ang NBN deal. Sa pagkakarinig ko, itama ninyo ako kung mali, $329 Billion ang perang gagastosin para dito. Ako ay nagimbal sa narinig ko. Para lang doon ang laki ng challenging bayaran? Magpakabit na lang sana sila ng mga mumurahing broadband connection na inooffer ng mga telephone companies dito sa pinas. Tiyak makakamura pa tayo kung ayan ang gagamitin natin. Bakit naman tatangap ang Pilipinas ng ganoong deal eh layo tayong maghihirap niyan eh. Hindi pa nga tayo nakakabayad sa mga panlabas ng utang natin uutang nanaman tayo, lalo lang hihirap ang Pilipinas kung ganyan. Sa ngayon may 4 na taong kasangkot jan sa NBN ZTE Deal na yan. Unang una ay si Joey De Venecia, ang nagsiwalat ng ZTE scandal na ito, na natalo sa bidding para sa NBN contract at sinuhulan daw para magback out sa bidding pero ang companya nya ay walang maipakitang krebilidad para dito. Susunod naman ay si Ben Abalos, ang comelec chairman sa ngayon na nasangkot sa ZTE deal kasi kakonchaba at kilala niya ang ilang opisyal ng nasabing kompanya, ngayon humaharap siya sa matinding interogasyon para masiwalat niya kung bakit nasama siya dito at kung magkanong pera ang KICKBACK niya. Kasama pa dito ang First Gentleman, Mike Arroyo, na sinasabing taga kunsinte ng ZTE deal at ang nagpa BACKOFF kay Joey De Venecia sa isa sa mga pagpupulong nila at ang panghuli ay ang opisyal ng NEDA na si Romulo Neri, siya ang magpapasya kung pwede ituloy ang NBN Deal together with ZTE, natuloy at siya ang nagpasya nito at nagtataka kung bakit niya inapbrubahan ang anumalyang ito? kasi daw siya ay sinuhulan para ituloy ito kahit sabi ng pangulo na wag tangapin ang suhol pero ito ay nagpatuloy pa rin. Ngayon siya ay sakitin. Ang NBN Deal ay sinuspinde na ng pangulo dahil sa ingay na ginawa nito sa ating bansa, kinasamaang palad nasama ang Cyber-Education program ng Dep Ed. Ok na sana ang Cyber-Ed para naman ito sa mga dadarating pang henerasyon. Pero ang ZTE, wag na lang kasi mapeperwisyo tayo dito. Sabi nga ni Joey De Venecia, na reinact ang pag taboy sa kanya ni
FG, BACK OFF!!!!! Dagdag ko lang, lahat sila laging nagkikita sa golf coarse.

Tuesday, September 25, 2007

Naghahanap kaba ng Soundtracks ng laro?

Ako'y naghahahanap ng hindi mahanap hanap na mga kanta ng isang arcade game na Dance Maniax sa net. Actually 1 year na ako naghahap at sa wakas natugunan na ang aking pangangailangan. Ngayon nadownload ko na ang mga gusto kong pakingan na kanta. Sa wakas Lord!! Itong site na ito ay may mga iba pang sound track ng mga larong gusto ninyo. Ang http://downloads.khinsider.com/ or ang Kingdom Hearts Insider ay isang malaking datebase na website ng mga game soundtracks sobrang laki nito at libre pa ang pag access grabe. Ang dami kong nakuha ditong mga game songs ng Dance Maniax at sobrang tuwa ko na ngayon at mapapakingan ko na ito sa aking mga tenga. I hope nakatulong ako sa inyo. Marami pang game sound track jan search niyo lang at bibigay na ito sa inyo. Disabled ang Full Album download nila kaya isa isahin ninyo ok?!?

Kingdom Hearts Insider Site

Enjoy mga pellowmen!!

ZTE Ringtone para sa mga awareness daw

Ito na nga ang ringtone na inaabangan ninyo...at dito ninyo na maririnig ang umasta sa "Hello Garci Ringtone" . Ang grupo ng Text Power ang nagrecord nito para maging ringtone ng inyo mga cellphone. Layon daw ng grupo na ilaganap ang kaalamanan sa ZTE broadand deal at sa pamamagitan ng ringtone sa cellphone ay magiging daan ito para malaman ng buong madla sa buong Pilipinas. Available ito in Ringtone and Video!!! Ang ringtone ay nafefeature ng "Backoff" statement ni Joey De Venecia. Sa video naman ay ang mga larawan ng mga sangkot sa NBN project.

ZTE Scandal Ringtone

ZTE Video Scandal


Monday, September 24, 2007

Blog Roll Listahan

Sa mga gustong makasama sa aking blog roll. Kindly comment on this post para malaman ko. Maraming Salamat Po!!! Sana magustuhan ninyo ang mga inyong nababasa sa aking blog.