Ay, oo nga, narinig ko ito sa balita. Tila wala akong masabi sa narinig ko. kala ko ang payatas na ang pinaka marumi pero hindi pala. Bakit naman ganoon makaasta ang mga taong nagsurbey dito? Di hamak naman na marumi na talaga ang ilog na malapit sa kanila at alam naman nating lahat kung sino ang may mga kasalanan nito kung bakit marumi ang mga ilog natin. Baka ikaw din ay isa sa mga salarin kung bakit marumi ang ating paligid? Pero, kung ako tatanungin, OO marumi nga, pero di naman nila ito kasalanan. Sinabi nga ng ininterbyew kanina ay ang may mga kasalanan daw nito ay mga nagtatapon ng basura galing ng caloocan. ABA ay dapat managot nga ba sila? kung may mapa kayo at titignan ninyo makikita ninyo naman na konektado ang caloocan at mga karatig lalawigan na Bulacan. So, ang dapat pala ay ang mga taga caloocan ang isama sa listahan ng maruruming pook. Tsk tsk tsk… kawawang mga tao na naninirahan at pinagbintangan na marumi sila. Pero, kung marumi nga sila, May pagasa pa bang lilinis ang mga pook na yan?? Kung ako tatanungin mo, siguro isang malaking ASAAAAA BOY ang sagot ko sayo. Kahit linisin ng gobyerno ang mga maruruming paligid natin, HINDI ito sapat, siguro kasama ako at kayo maglilinis at magproprotekta dito. im sure lilinis yan within years of konsistensi. Ang New York-based Blacksmith Institute ay ang may pakana nito. kung may galit kayo..labas niyo lang dito!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment